Paglubog ng Bahaghari
ni: Dheekhaye BorjaRequested by: Ava Cassandra Lopez
Ang ating buhay ay may iba't ibang kulay,
Pula kapag ika'y umiibig,
Puti para sa kalinisan ng kalooban,
Berde kapag naiuugnay sa kalikasan,
Dilaw kapag ika'y minamaliit,
Asul para sa alon ng buhay,
Kahel kapag mga pagsubok ay iyong nalalampasan,
Lila para sa tagumpay at kayamanan,
Indigo para sa katapatan.Kapag pinagsama-sama yaring mga kulay,
Magkakaroon ng saysay ang iyong pagkabuhay.
Mga pagsubok ng Panginoon ay iyong malalampasan,
Basta't mga simbolo, huwag mong kakalimutan.Mga simbolo ng kulay mula sa bahaghari, bigyan mo ng halaga,
Ito ang magbibigay sa buhay mo ng pag-asa.
Tulad ng paglitaw nito pagkatapos ng ulan.
Tandaan mo, ito'y hindi galing sa kawalan.#ChallengeMe
#ImBackWritingIndustry
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading