Pagiging makata'y 'di pinag-aaralan,
Ito'y talentong nagmula kung sa'n man.
Inspiras'yong nabuo sa bawat akda,
Mapaglarong imahinas'yon ang lumikha.Nais magsulat ngunit walang maisip,
Hindi kayang kontrolin --- parang panaginip.
Tintang-panulat, gustong gamitin,
Nang may maipaskil at siya'y purihin.Makata sa kanilang paningin,
Sa maling kilos mo --- titulo'y 'di maaangkin.
Patunayang karapatdapat na maging manunulat,
Huwag sa paraang --- akda'y ikinakalat.Magkakatugmang salita,
Sa ipinagmamalaking tula.
Matatawag lang na likha ng isang makata,
Kung may napapaloob na inspiras'yon sa bawa't diwa.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading