PAANO (Poser)

184 2 0
                                    

Jammy feel be like

Batid ko may mali sa aking ginagawa,
Pag ako'y malungkot labis n'ya kong napapatawa,
Pakinggan ang boses n'ya ay di ako nagsasawa,
Ang gustuhin rin n'ya naghatid sa akin ng tuwa.

Sa kanya ako ay nagkagusto,
Kaya ngayon ako ay nalilito,
Paano ko sasabihin ang totoo?
Matatanggap kaya n'ya ko ng buo.

Iba ang ginagamit kong pangalan,
Akala n'ya, ako ang aking kaibigan,
Paano pa kaya pag kanya nang nalaman?
Ako pa kaya kanya pa ring magugustuhan.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon