MESSIAH

16 0 0
                                    

Nag-uusap kami ni Don ngayon,
Tinatanong n'ya sa 'kin iyon,
Ang bastarda ba raw ng anak n'ya,
Maari ba raw magmana sa ina n'ya.

Sa lahat ng bagay si Heurt ay mahusay,
Bata pa lamang ito ay agad na sinanay,
Sa mundo naming mala impyerno,
Silang mag-ama ang relasyon ay 'di matino.

Ipinaalam ko sa kanya na ito ay nasa Palawan,
Ngunit islang iyon hindi namin malapitan,
Mga tao roon ay hindi alam ang kanilang pagkatao,
Kaya nahihirapan kami malaman ang totoo.

Nagtungo kami roon at itinumba ni Mondragon,
Ang nakausap naming mga bantay na tao roon,
Umayon sa amin ang pagkakataon, isang yate ang dumaong,
Nang makita kami ni Heurt huli na para s'ya'y umurong.

Hawak ni Aling Nena ang kanyang anak,
Sa kamay ng kanyang ama ito'y mapapahamak,
Pinatamaan ni Don Mondragon si Aling Nena,
Ang hawak nitong sanggol muntik mabitawan na.

Akmang kukunin na ni Don ang anak n'ya,
Ngunit may isang bagay pumagitna sa kanya,
Isang rebulto ang nagpatumba sa aming kasamahan,
Hanggang sa isang iglap nasa amin nang harapan.

Isa s'yang babae na aming kinagulat,
Pinaulanan n'ya ako ng bala sa dagat,
Kami ni Don Mondragon ay natakot sa kanya,
Tanong sa aming isipan sino s'ya?

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon