PINASASALAMATAN

16 0 0
                                    

Isang tulog na lang,
Araw na nang iyong pagsilang,
Biyaya ka na mula sa Maylalang,
Na maipagmamalaki ng iyong magulang.

Mapalad kami at ika'y aming nakilala,
Sa iyong likha marami ka sa aming ipinaalala,
Na pahalagahan ang mga kaibigan at pamilya,
Dahil ito ay maituturing mong magandang biyaya.

Lalo na ipinapaloob nitong pahalagahan ang edukasyon,
Ayos lang na minsan ipakita ang iyong tunay na emosyon,
Mga hamon na darating ay gawing  inspirasyon,
Dahil lahat tayo sa buhay ay may kanya kanyang misyon.

Misyon para tuparin ang ating mga pangarap,
Para sa mas maganda pang hinaharap,
Balang-Araw makikita rin natin ang maaliwalas na alapaap,
At kaginhawaan sa ating puso't isip ay ating malalasap.

Kaya ngayong nalalapit  mong kaarawan,
Tanging hiling ko, para sa 'yo maayos na kalusugan,
At ang  espesyal na araw na ito ay maghatid sa 'yo ng kasiyahan,
At sa mga likha mong istorya, ika'y aking pinasasalamatan.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon