MANATILI

17 0 0
                                    

Malapit na rin pala mag-isang taon,
Ang istorya mo inaabangan ko noon,
Na nagpapaiyak sa 'kin kahit na hapon,
Akala tuloy nila ako'y isang baliw na non.

Istorya na nagbigay ng emosyon sa 'kin na "kaba",
Anuman sabihin nila sa 'kin ito'y kakaiba,
Ang bawat kabanata na hindi biro ang haba,
Na pati sa mambabasa ay nagbibigay pangamba.

Dahil dito nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan,
Wala akong paki kahit ikaw pa ang reyna ng kahambugan,
Basta ang mga ibinahagi mo sa amin ay aking naiibigan,
Ang mga simpleng pagmamalasakit ay 'di basta madadaigan.

Alam ko hindi mo ko bibiguin sa panggugulat,
Dahil d'yan maraming salamat Maxine Lat,
Aabangan ko palagi ang iyong mga isusulat,
Para sa 'kin, ika'y isang kahanga-hangang manunulat.

Manatili ka pang isang inspirasyon,
Paganahin mo pa lalo ang aming emosyon,
Itong tula na ito'y aking dedikasyon,
Ako'y tagasuporta mo hanggang maubos ang aking ngayon.



DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon