MAXINEJIJI

11 0 0
                                    


Mga bago kong kuwaderno,
Dalangin akin sanang mapuno,
Mapuno ng mga tulang  isusulat ,
Alay sa mga istoryang kanyang  isinulat.

Bubuo ako muli ng mga salita,
Salita hanggang maubos ang tinta,
Tinta ng hawak kong panulat,
Panulat na magsusulat ng tulang pasasalamat.

Pasasalamat sa istoryang patuloy n'yang kinakatha,
Na inspirasyon at kasiyahan ang inililikha,
"Maxinejiji "manunulat na isa sa aking inspirasyon,
Kaya lumilikha pa rin ng mga tula hanggang ngayon.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon