MALIGAYANG KAARAWAN

13 1 0
                                    


'Di ko alam kung paano ko sisimulan,
Aking mukha, akin munang kakapalan,
Sana mensahe kong ito magawa kang pangitiin,
Nais lamang sana kita ngayon batiin.

Ilang araw na lang,
Ang ating mabibilang,
At araw na ng iyong kaarawan,
Sana napangiti kita sa gamit kong larawan.

Ito ay mga larawan ng iyong aklat,
Na iyo sa amin ibinahagi at isinulat,
Aking iniipon at patuloy na iingatan,
Para sa ganitong paraan ika'y mapasalamatan.

Ito'y mga bagay at aklat ng iyong istorya,
Nasa aming mambabasa mo nagpapasaya,
Maraming salamat sa 'yo Maxine Lat,
Sa mga istorya na iyong nilikha at isinulat.

Hindi man ngayon ang mismo mong kaarawan,
Salitang ito ay aking mismong bibitawan,
Maligayang kaarawan at salamat sa 'yo,
Sana sa nalalapit mong pag-uwi magkita na tayo.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon