HIH Scene

17 0 0
                                    

Maxpein feel be like

Sa totoo lang ako'y nangungulila,
Ako kaya ay kanyang naaalala,
Aking itsura kanya bang nakikilala,
Hindi ko maiwasan ang mainggit sa kanila.

S'ya ang aking tunay ina,
Na iniisip ko sa tuwina,
Nangangarap na makapiling na,
Dalangin ko na matupad sana.

Nang malaman ko ang tunay kong pinagmulan
Ang lumapit sa kanya ay aking pilit pinipigilan,
Pagkalungkot ng aking puso hindi ko matigilan,
Katulad nang pagbagsak ng malakas na ulan.

Makita ang iba na kanyang inaalagaan,
Sa aking puso tila may bagay na dumadagan,
Katanungan sa aking isip bakit ako pinabayaan,
Nasaan ka noong ika'y akin ding kailangan.

Sa paglipas ng araw dahilan mo para sa 'kin ay naging sapat,
Ramdam ko ang pangungulila mo rin sa akin ay tapat,
Mga luha sa iyong mga mata ay hindi na maampat,
Para sa aking kapakanan ay ginawa mo lang ang nararapat.

Pinangarap ko noon pa na may matawag na "Eomma",
Na aking malayang makikita at makakasama,
Na mag-aalis ng lungkot at sakit na aking nadarama,
Masaya ko at ikaw ang aking ina na bigay sa akin ng ating Diyos Ama.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon