HIH Scene

20 1 0
                                    

Sa isang kasiyahan,
Ako'y inimbitahan,
Kaya naman ako ay dumalo,
Sa inihanda ni Tob na salu-salo.

Nagkaroon ng mga tanungan,
Kanyang pagsagot aking inaabangan,
Mapakla na lamang akong napangiti,
Kahit sa narinig puso ko tila nahahati.

Naglakas loob ako na s'ya'y kausapin,
Katotohanan kailangan ko nang harapin,
Nasasaktan ako sa aking mga natuklasan,
Sakit na nadarama n'ya paano ko ba iibsan?

Mahal na mahal ko s'ya, kaya 'di ko matiis,
Lalo pa na s'ya'y aking miss na miss,
Nagpahatid ako kay Maxwell sa bahay nila,
Sa kanyang turan sa akin, ako'y natulala.

Hinatid n'ya ko sa bahay namin,
Umaasa pa rin ang aking puso at damdamin,
Bukas magtutungo muli kami sa Palawan,
Kung saan marami kaming alaalang naiwan.

Gagawin ko ang lahat para makabawi,
Pangamba sa aking puso s'ya lang nakakapawi,
Sensui ko, kahit anong mangyari sa 'yo 'di ako susuko,
Mula ngayon ay hindi na kita iiwan pangako.


DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon