MAXINEJIJI STORIES

29 0 0
                                    


Hindi ko na maalala kung kelan ako nagsimula,
Nang maisipan ko magsulat ng mga tula,
Para sa kanyang mga istoryang nilikha,
Marahil dahil sa labis kong pagkamangha.

Sa kanyang mga istorya, ako yata ay nahulog,
Bawat eksena ay nasa isip ko hanggang makatulog,
Sa mga  istorya n'ya ako ay sadyang napapaisip,
Na may taglay na makatotohanan at kathang-isip.

Sa bawat update ng kanyang istorya ako'y sumisigla,
Apektado masyado sa nangyari, napapasulat ng tula,
Hindi ko naisipan pang isukat, akin na lang itinugma,
Basta naroon ang bawat kataga nais kong ipadama.

Sa labis kong pagkahumaling ay di ko namalayan,
Na ang tulang inaalay ko ay umabot ng ilang daan,
Masaya dahil nakilala ko ang isang Maxine Lat,
Ito ang pamamaraan ko para sa 'yo ay magpasalamat.

Maxinejiji stories na isang maituturing na inspirasyon,
Sa bawat daloy ng istorya ay matindi aking emosyon,
Mga istorya n'ya na kapupulutan talaga ng mga aral,
Kaya ang mga ito ay kusang tumatatak at minamahal.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon