KAMI

6 0 0
                                    

Ngayong araw ang anibersaryo,
Naming mga sumusuporta sa 'yo,
Kami ay simpleng mga humahanga,
Sa mga istorya mong kahanga-hanga.

Kahit na kami ay layo layo,
Nandito kami susuporta lamang sa 'yo,
Sa amin inspirasyon ang iyong ibinibigay,
Na hindi mapapalitan ng materyal na bagay.

Kami ang iyong mga mambabasa,
Na sumusuporta sa 'yo mula umpisa,
Kami ang iyong mga Jijies,
Na kailanman hindi ka matitiis.

At ngayong kasalukuyang buwan,
Ilang araw na lang ay iyo ng kaarawan,
Kasama mo kaming magseselebra,
Kaming mga iyong Jijiero at Jijiera.

Literal man kaming layo-layo,
Paparamdam naming pamilya tayo,
Ngayong buwan ng Marso,
Buwan ng manunulat na bumihag sa aming mga puso.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon