MAXPEIN ZIN DEL VALLE MOON

21 0 0
                                    

Maririnig mo sa kanya ang "hindi ako interesado",
Sa tinig na may halong pagiging isang kalmado,
Ngunit maririnig mo ang "king ina" kapag s'ya'y iritado.
Kaya maging handa ka na sa kanya mabarado.

Isang dalagang medyo mabilis mayamot,
Pero sa kaibigan n'ya ay 'di s'ya madamot,
Isang dalagang napakatipid mang sumagot,
Kapag sinagad mo ay malamang ika'y lagot.

S'ya si Maxpein Zin Del Valle Moon na astig,
"Tss" madalas mo rin sa kanya maririnig,
Sa pagiging maangas walang makakadaig,
Pero isang dalaga wagas kung magpahalaga at umibig.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon