PANALO

13 0 0
                                    

Sabi ko hindi na ko magsusulat pa,
Pero heto na naman tumitipa,
Minahal ko na yata sadya ang pagtula,
Bahala na hindi man maging kasing galing nila.

Ilang beses na luha pinigilan sa pagpatak,
Bawat titik ay nag-uukit sa akin, nag-iwan ng pitak,
Kahit ilang beses man ako lumuha,
Bakit payo nila hindi ko magawang makuha?

May bago kang istoryang likha,
Bumalik panandalian aking sigla,
Muli heto... ako ay naguguluhan,
Sarili ko lang tanging matatakbuhan.

Hanga ako sa kanya na nanatiling positibo,
Kahit na ang n'ya paligid ay puro negatibo,
Ang sarili n'ya hindi kinocompare,
At ang sasabihin lamang n'ya i don't care.

Nais na maging kasing tatag n'ya,
Lahat handang makaya,
Marami mang sa kanya nangungutya,
Pinipilit pa rin maging masaya.

Isang karakter na maituturing na ehemplo,
Ang manunulat ay dapat maging idolo,
Kahit na ako ay madalas matalo,
Makilala ang tulad mo Miss Maxine, matuturing na ang sarili na isang panalo.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon