MAXWELL MOON PART 2

16 0 0
                                    

Nakaupo kami sa ilalim ng puno ng Magnolia,
Habang nakaupo sa damuhan tinuturuan ko s'ya,
Madiin ang pagsulat n'ya sa kaharap na kwaderno,
Napapangiti si Maxpein kapag tumitingala sa puno.

Nilapitan kami ng aking ama at kinausap,
Maging rango ang kapatid ko ay 'di ko tanggap,
Masakit na,isipin ko pa lang ang hirap ng pag-eensayo,
Kaya suhestiyon ko sa aming ama na kami'y lumayo.

Maari namang baguhin ng aming Lola ang batas,
Ngunit sabi ni ama, hindi maaari, dapat kami maging patas,
Handa kong ibigay sa kanya parte ng aking pagkatao,
Maging patas lang sa kapatid ko ang mundo.

Pagkauwi namin ako lang ang kinamusta ng aking ina,
Samantalang  kasama ko ang aking kapatid at ama.
Palagi s'yang ganoon kung ako'y tanungin,
Iba ang pakikitungo n'ya kay Maxpein.

Sa hapagkainan, kinausap ako ng aking ina,
Tungkol sa pag-aaral ko ng medisina,
Sagot ko, mag-aaral na lamang ako rito,
Ayokong iwanan ang kapatid ko.

Napangiti ako nang magsalita ang ama ko,
Hanggang sa unti-unti na silang nagtalo,
Mag-uusap ang aking ama at ina,
Nagtatalo sila kung sa kuwarto o opisina.

Ang aking pag-aalala ay agad ding nawala,
Nang madatnan ko magkatabing natutulog sila,
Sa tuwing tuturuan ko si Maxpein palagi s'yang may tanong na bakit,
Mahigit tatlumpung beses n'ya iyon tinanong ng paulit-ulit.

Nang mapadaan ako sa kuwarto ng magulang ko,
Pareho silang nasa loob ng banyo,
Pumasok ako nang 'di nila alam,
Aking ina masama  ang pakiramdam.

Ako'y labis na nag-aalala at nagtataka,
Bakit ang ina ko ay nagsusuka?
Natigilan ako sa narinig ko,
S'ya raw ay nagdadalantao.

Nakakalungkot lamang talagang isipin,
Iba ang pakikitungo nila sa pagdating ni Maxpein,
Nakatunghay kami sa pagdating ng aming bunso,
Sabi ng ina ko higitan ko ang pag-aalaga rito.

Ang atensyon nila sa kanya ay nawawala,
Kaya naman sa tabi n'ya ay hindi ako mawawala,
Hindi ko mabilang ang kung ilang pagkakataon,
Nararamdaman ko kung gaano kasakim ang mundo sa kapatid kong si Maxpein Moon.



DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon