ISTORYA

29 0 0
                                    

Masasabi mong ako ay isang wirdo,
Paano sa istorya n'ya, ako ay apektado,
Hindi ko kinakaila, dahil ako ay aminado,
Mga istorya na tumatak sa isip ko ng todo.

Kung si Fidel nag-alay ng isang daang tula,
Para sa lihim n'yang minamahal na si Stella,
Sa kanyang  mga istorya, ilang tula na ang aking nilikha,
Mga istorya n'ya nasa akin nagpamulat at nagpaluha.

Istorya n'yang "He's into Her" nagtapos no'ng Pebrero,
Istorya n'ya na nagpahumaling  sa akin ng husto,
May nagtanong pa sa akin, bumili ka pa talaga ng libro,
Sagot ko, oo kasi istoryang ito ay aking pinakagusto.

Sa kanyang istorya lang, ako napalikha ng maraming tula,
Dahil din sa mga istorya n'ya, ako ay mabilis na sumisigla,
Ang istorya nina hambog at bully pinakatumatak sa kanila,
Halata naman sa mga tula ko na, ako ay tinamaan ng malala.

Magbasa man ako ng mga istoryang panibago,
Ako ay isang jijiera na di na kailanman magbabago,
Hindi  ko makakalimutan ang istorya n'yang ito,
Maxinejiji maraming salamat  sa pagbahagi ng mga likha mo.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon