HIH SCENE

21 1 0
                                    

Deib feel be like

Ako ngayo'y nagdadalamhati,
Bago kong puso tila'y mahahati,
Dahil natatabunan na ito ng pighati.

Nakikita kita ngayon sa aking harapan,
Bakas sa wangis mo ang kahirapan,
'Di ko matanggap itong mga kaganapan.

Kanilang mga sinasabi 'di ko mawari,
Nais ko ngayon lumitaw ang bahaghari,
Pagkatapos ng ulan sa paligid natin naghari.

Kaytagal kong nangungulila sa 'yo,
Lumaban ako kahit tayo'y magkalayo,
Sa harap ng mga hukom ngayon ika'y nakatayo.

Kasalanan ito ng mga Rewis na sakim,
Aming Chairman kaylaki ng kanyang inilihim,
Bakit tayong dalawa ngayon ang naninimdim?

Lumuluhod ako sa 'yo habang hawak ang iyong mga kamay,
Sabihin mo sa akin babalik ka, handa kong muling maghintay,
Sa iyong tugon sa akin, nanaisin ko na ring mahimlay.

Pagmamahalan natin ay 'di pinilit sadyang nagkusa,
Sabihin mo sa akin, pag-iibigan natin mayroon pang pag-asa,
Dahil anomang oras handa kong manumpa para tayo'y maging ganap ng iisa.

Nagtatanong ako sa mga harap ng mga hukom,
Iyong pamilya nananatiling tahimik, bibig nila'y tikom,
Ngunit pare-pareho kaming mga palad ay nakakuyom.

Tanging  habilin mo sa 'kin "kapag gusto kita maalala",
"Balikan ko ang lugar kung saan tayo unang nagkakilala",
Sa sahig ako'y umupo humagulgol pinipigilan magwala.

Sa bawat araw na nagdaraan, umaasa na ika'y makikita,
Kapag nalingat ako kung saan, akala ko'y namamalik-mata,
Aking Taguro, bawat segundo ay namimiss kita.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon