MAXPEIN

14 0 0
                                    

Hindi inaakala ang kanyang pagdating,
Ang pagsilang sa kanya ay may nais iparating,
Pinakamataas na rango, paano n'ya mararating.

Sa paligid n'ya marami ang humahamak,
Para sa minamahal handa s'yang mapahamak,
Lalaki s'yang isang mabuting kapatid at anak.

Kahinaan n'ya ay nasaksihan ng buong emperyo,
Pero sa kanyang puso't damdamin muli s'yang tatayo,
Babangon at matatagpuan na nila ang naiibang bagyo.

Tatakbo nang matulin habang hawak ang isang pana,
Hindi na muli hahanap ng dahilan para manghina,
Tunay na kakayahan n'ya ay huhubugin na.

S'ya si Maxpein Moon na nagmula sa Buk,
Humarap man sa napakaraming  pagsubok,
Tatayong muli at lalaban mula sa pagkalugmok.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon