HE'S INTO HER

51 1 0
                                    


Istorya na labis na kinaadikan,
Di nakakasawang balik-balikan,
Kung saan nakilala ang tambalan,
Tagsen kung tawagin ng iilan.

Bawat kabanata nito ay inaabot ng maraming pahina,
May mga pangyayari na nakakapanghina,
Di magpapahuli sa mga nakakapanabik na eksena,
Lalo nasa kilig ng ang Tagsen ay maging sila na.

Di maibilang kung ilang beses na napaluha,
Namalayan na lang basa ang mukha,
Nang inakala si Maxpein tuluyang mawawala,
Ngunit nang umeksena muli si Kim nais muling magwala.

Kailan lang ay natapos ang kanilang istorya,
Lumuha ulit ngunit ang dahilan na ay saya,
Lalo na't nadagdagan ang miyembro ng kanilang pamilya,
Si Spaun ang hatid sa lahat ay ligaya.

Istoryang "He's into her" ang pamagat,
Ang genre halos sama-sama na lahat,
Masaya kasi ika'y kanyang isinulat,
Maraming salamat sa iyo Miss Maxine Lat.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon