HIH

14 0 0
                                    

He's into her ang pamagat ng istorya,
Nasa karamihan ay naghatid ng saya,
Bidang babae 'di basta magagaya,
Bidang lalaki 'di kaya na wala s'ya.

Istoryang sumikat sa wattpad,
Tambalan na mahirap ihalintulad,
Laman ng aking isip habang naglalakad,
Nakakakilala ng mambabasa nito saan man mapadpad.

Sila ay aming nakilala,
Na mayroong 'di magandang simula,
Sa isang tingin lang nagmula,
Kaya pinatid n'ya ito bigla-bigla.

Isang bully at mayamang binata,
Dalagang walang emosyon ang mga mata.
Binatang bully ngunit mabilis mairita,
Dalagang sa bola ng bilyar mahusay umasinta.

Binata na ang matalo ay 'di makapapayag,
Dalagang hambog ang kanilang tawag,
Binatang na kaygaling kung mangbansag,
Dalagang mahusay din kung mangbasag.

Maxpein Zin dalagang may sariling angas,
Sa kanyang motor ayaw magpaangkas,
Huwag galitin sa kamay n'ya 'di ka makakatakas,
Baka buhay mo mapaaga ang pagwawakas.

Deib Lohr binatang mahilig mangtrip,
Kay Maxpein matindi kung mabadtrip,
Hanggang sa parati na n'yang iniisip,
Naging bida pa ng kanyang panaginip.

Zarnaih na parating naiinis,
Kay Lee Roi na panay ang English,
Lalaking sumobra sa pagkamalinis,
Kaibigan silang nagmamalasakit ng labis.

Michiko na may pagkaslow minsan,
Si Yakiro Tobi s'ya ang napupusuan,
Lalaking supportive sa mga kaibigan,
Tulad n'ya 'di mo mapaglilihiman.

Maxwell Laurent na matalino,
Bihira makausap nang matino,
Masungit na at pihikan pa ang puso,
Mauunahan pa yata ni Maxrill Won na kanilang bunso.

Mga ate nilang iba-iba ang katangian,
Mga kababaihan na may taglay na katalinuhan,
Na may kanya-kanyang kagandahan,
Zaimin Yaz, Dein Leigh at Keziah mga ngalan.

Sila ang dalawang tao na kanilang minahal,
Ang mga ngalan ay Kimeniah at Randall,
Pagmamahal nila rito ay hindi nagtagal,
Aakalain mo sa kanila magiging sagabal.

S'ya ang kanyang lalaking bersyon,
Sa kanyang kakayahan ika'y mapapalingon,
Lovemir na makukuha ang inyong atensyon,
Na umibig din sa kanya 'di naglaon.

S'ya ay maganda at mapang-akit,
Kaya mata mo sa kanya maniningkit,
Eerah Anitha sa kanya maraming nagagalit,
Leeg n'ya muntik na rin  n'yang mapilipit.

S'ya ay may gandang kahali-halina,
Kung saan s'ya tunay na nagmana,
Heurt at Pein sila ang maangas na mag-ina,
Kapag nagsama sila magtago ka na.

Sila ang kanilang mga kaibigan at kaklase,
BJ at Migz pero kapag bumirit ay ibang klase,
Mawawala ba sina Choco at Rewis ay 'di puwede,
Sila lang naman nagpagalit sa hambog ng matindi.

Makakalimutan ba si Kevz na kanya raw destiny,
Sila More, Maze, Chairman Moon at Mokz na kanyang family,
Magpapahuli ba naman sina Lohrton at Lacey na parents ng kanyang sensui,
At pati na rin si Ysay na kapag nakatalikod s'ya ay nakangisi.

Sila ang mga tao sa kanilang buhay,
Na nagbibigay pa lalo ng kulay,
Taguro at Sensui na dating magkaaway,
Ngayon ay nagsasama na pang habang buhay.

Istorya na minahal at mas mamahalin namin,
Na isinulat ng nag-iisang Maxine,
Sila ang bida ng istorya na astigin,
Na "He's into her" kung tawagin.


DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon