HIH scene

20 1 0
                                    

Maxpein feel be like

Sa kanya ako'y nakipagpustahan,
Para sana ako'y kanya nang layuan,
Pero sa sangguni n'ya ako'y sumang-ayon,
'Di ko akalain matatalo n'ya ko ng ganon-ganon.

Naging magkasintahan na kami ng wala sa oras,
Wala na kong magawa at 'di na kaya pang umatras,
Nakita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata,
Wala rin naman akong maramdaman na pagkairita.

S'ya'y isang lalaking hindi mahirap gustuhin,
Kung tutuusin s'ya'y isang lalaking habulin din,
Kanyang unang minahal s'ya'y sinayang,
Panigurado ako ngayon ito'y nanghihinayang.

Itong si Naih tahimik at hindi ako kinikibo,
Kanyang isipan 'di ko alam ang itinatakbo,
Yon pala sa aking ikinilos ay naghihinala,
Nang aminin ko sa kanya, agad s'yang sumigla.

'Di ko rin mawari ang laman ng aking isipan,
Ang ibaling buong atensyon ko sa kanya ay susubukan,
Aaminin ko, sa isang katulad n'ya ay 'di mahirap magkagusto,
Kaya naman pinasukan ko ang pagkakataong ito.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon