SEASON 3 (HIH)

37 2 0
                                    

Deib feel be like

Sino ba kasi ang mga ito?
Ano ginagawa nila rito?
Sino nga ba talaga sila?
Basta nagpaulan ng bala.

May bago akong kaklase,
Kung makadikit ibang klase,
Binigyan pa ko ng isang babala,
Kinabahan na lang ako bigla.

Kung tumingin s'ya nang-aakit,
Mata ni Taguro sa 'kin naniningkit,
Ang lalaking ito naman kaya ay sino?
Silang dalawa kaya ay magkaanu-ano?

Dati rin pala silang magkasintahan,
Eerah at Lovemir ang kanilang pangalan,
Ang relasyon nila ay kahirap intindihin,
Sino naman itong Christian at Cargosin?

Rewis daw sila kasama ang kanilang Chairman,
Sa aming pamilya sila ay nakipagkaibigan,
Sila pala ay may tinatagong lihim,
Poot sa aming Chairman ay kinikimkim.

Kanilang pagkamunghi maraming nadamay,
May mga tao na di dapat nagbuwis ng buhay,
Mga katotohanan nasa akin ay nagdulot ng sakit,
Sa aming Chairman ako ay naghihinakit.

Kanyang pagbabalik ay aking inaasahan,
Buo na ang loob ko na s'ya ay pakasalan,
Ang puso ko ay nadurog na ng husto,
Aking paghinga tila ay mabilis na huminto.

Nagkaroon ako ng panibagong puso,
Pero s'ya lang tanging tinitibok nito,
Nais ko s'yang masilayan at hagkan,
Sa magaganap tila ako'y pinagsakluban.

Kami ng aking Taguro ay magkakawalay,
Sarili n'yang buhay ay hinandang ialay,
Ilang luha dumaloy sa aking pisngi at pumatak,
Sa mga nangyari nagkaroon sa puso ko ng pitak.

Sabi n'ya kung nais ko s'yang maalala,
Balikan ko kung saan kami nagkakilala,
Pag-iyak ko ay nag-uumpisang umimpit,
Sa isang himala ako ay patuloy na kumakapit.

Lumipas ang  mga araw, buwan at taon,
Nakikita ko s'ya kahit saan ako lumingon,
Ang kalimutan s'ya ilang beses ko sinubok,
Sutil ang puso ko, s'ya pa rin ang tinitibok.

Dumating ang araw ng kanyang pagbalik,
Nais ko s'yang yakapin at bigyan ng halik,
Ngunit sa kanya ako ay labis na naghihinakit,
Dahil sa kakaisip ako ay nagkaroon ng sakit.

Ako ay kanyang sinusundan at patuloy na sinusuyo,
Sa totoo lang ayoko naman talaga muli  s'yang lumayo,
Sabi n'ya mahal n'ya ko, at kami sana ay magkabalikan,
Sagot ko mahal n'ya lang ako, pero di n'ya ko kailangan.

Pinilit ko s'yang iwasan at tiisin,
Ngunit puso ko kahirap tikisin,
Lalo na may lalaki s'yang pakakasalan,
Sa mga nangyari bigla kong natauhan.

Sa pagkakataon yon ayaw ko s'yang pakawalan,
Aking mga puso nabuhay at muling nagliparan,
Sa akin ay labis labis na s'yang bumabawi,
Kaya ang aking lumbay ay mabilis na napawi.

S'ya ay akin nang naging ganap na katipan,
Aming pagmamahalan nagsimula sa patiran,
Mapalad ako dahil nagmahal ako ng hambog,
Hambog na ang isip ko at puso ko ay napapasabog.










DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon