SEASON 2 (HIH)

36 1 0
                                    

Deib feel be like

Nang aking malaman ang kanilang nakaraan,
Na sila pala ni Randall ay dating magkasintahan,
Aking tunay na nararamdaman ay di ko maintindihan,
Aking puso at isipan ay bigla na lamang naguluhan.

Ang nakaraan nila ay nais kong kanyang kalimutan,
Pagkat parang ako ay unti-unti ng nasasaktan,
Sa nararamdaman ko para sa kanya ,ako'y nahihirapan,
Sadyang nagkukusa ang aking puso na s'ya ay magustuhan.

Ilang beses ko nang sinubukang itanggi,
Ngunit puso ko s'ya na ang bagong tinatangi,
Sa bilis ng pagtibok ng puso ko, ako'y nabibingi,
Bawat segundo sa aking isip s'ya'y sumasagi.

Ang kanilang nakaraan ay pinilit kong tanggapin,
Walang oras na di ko ninais na s'ya'y yakapin,
Masaya na ko, nang ako ay kanyang nagawang isipin,
Aking puso at damdamin ay muling magpapaalipin.

Nagbago ang lahat sa amin sa Palawan,
Ang malambot n'yang labi ay aking hinalikan,
Mabuti ako ay hindi n'ya naisip iwasan,
Desisyon ko ay huwag na s'yang pakawalan.

Naglaro kami ng basketball at nagkapustahan,
Natalo s'ya at pumayag na maging aking kasintahan,
Ako ay masaya dahil kanya na ring nagugustuhan,
Pero alam ko damdamin pa rin n'ya ay naguguluhan.

Bumuo kami pareho ng kanya kanyang patakaran,
Ayaw n'ya kong masaktan sa kahit anong paraan,
Pero ang magselos kay Randall ay di ko maiwasan,
Dahil alam ko mayroon pa s'yang nararamdaman.

Ayoko na sila ay muli pang magkalapit,
Malaya na s'ya ,pag s'ya rito ay lumapit,
Nakita ko silang magkasama, ako ay nagalit,
Di ko kinaya di na ko nagtagal pa kahit saglit.

S'ya ay aking basta na lamang iniwasan,
Pinahiya ko s'ya sa mismo kong kaarawan,
Dumalo s'ya at ako ay kanyang kinantahan,
Ininda n'ya ang sakit na nararamdaman.

Mabuti nagawa n'ya kong patawarin,
Kahit sinaktan ko kanyang damdamin,
Maayos na sana muli ang samahan namin,
Ngunit sina Choco nagawa kaming guluhin.

Kaming lahat ay halos nasaktan
Si Tob ay kinailangan operahan,
Umalis s'ya na di ako sinabihan,
Mga tawag ko ay kanyang iniiwasan.

Sa pag-aaral muntik na ko huminto,
Laman s'ya ng isip ko minu-minuto,
Di ko alam, kung iniisip ba n'ya ko,
Sa aming dalawa ay muntik na ko sumuko.

Sa aking pagtatapos s'ya ay nagpakita,
Halos ako ay hindi na makapagsalita,
Umiilap nang tingin ang kanyang mata,
Pagkainis ay pilit kong ipinapakita.

Nagtungo kami muli sa Palawan,
Di ko alam na kanya palang kaarawan,
Sinuyo ko s'ya at agad na kinantahan,
Kami ay nagkaayos at nagkabalikan.

Humabol  s'ya sa mga aralin,
Kaya nagawa ko s'yang unawain,
S'ya ay bumabawi na sa akin,
Ako ay kanyang nilalambing din.

Si Randall, ate ko ay papakasalan,
At ginanap iyon sa isla nila sa Palawan,
Ngunit sa gitna nang aming kasiyahan,
May nangyari na di namin lubos na inaasahan.













DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon