MAXPEIN MOON Part 3

19 1 0
                                    

Mas maaga kong gumigising sa aking mga kasama,
Para matutunan ko na ring mag-isa ang makatama,
Pero ganoon pa rin hirap ako gumamit ng pana,
Sa aming lahat, ako pa rin ang pinakamahina.

Palagi akong pinag-iinitan ng pangunahing rango,
Hindi ko alam bakit tila sa 'kin iba ang kanyang pakikitungo,
Pinagbubutihan ko at sinisikap na huwag sumuko,
Gusto ko maging katulad n'ya at lalo na ng Lola ko.

Isang himala raw ang aking kinakailangan,
Lalo pa hindi naman ako kagalingan,
Sa aming lahat ako parati ang nasa hulihan,
Sa aming lahat ako ang kulang sa kakayahan.

Isapuso ko raw ang lahat sabi ni Laieema,
Aming pamilya ay malapit na namin makasama,
Hindi ko lubos maunawaan ang sinasabi n'ya,
Pero nabuhayan ako nang makikita ko na ang aking pamilya.

Inutusan ako pumunta ng batis para humuli ng isda,
Hapdi ng aking mga pasa at sugat ay aking iniinda,
Hindi ko inaasahan na naroon pala si Laieema,
Tinuruan n'ya ko kung paano humuli ng tama.

Hindi nila ako pinakain ng hapunan,
Tinapon ng rango ang pagkain sa aking harapan,
Dinala nila ko sa isang kuweba na kulungan,
Kaya ko iyon sirain, pero ayoko muling maparusahan.

Sa paggamit ng espada kami ay tinuruan,
Hanggang sa nasugat ang aking likuran,
Halos kaladkarin nila ko patungo sa silungan,
Ginamot ng rango ang katawan kong sugatan.

Lumipas ang araw, nananatili akong talunan,
Nahuhuli pa rin ako sa aking mga kaedaran,
Natututula akong nakatingin sa kawalan,
Hanggang makauwi na ko ng tuluyan.

Nakangiti akong sinalubong ng aking pamilya,
Niyakap ako ng aking ama at ako'y kinarga n'ya,
Inumin at pagkain ang aking hiningi agad sa kanila,
Sa aking sobrang gutom at uhaw nagtataka sila.

Inanunsyo na ng pangunahing rango ang mga nakapasa,
Ang tanging hindi nakapasa ay nag-iisa,
Ako iyon, at hindi ako makatingin sa aking pamilya,
Sa mga nandoon at sa aking pamilya ako'y nahihiya.

Dalawang taon pa raw ang hihintayin ko,
Sa aking pamilya nahihiya ako,
Dalawang taon pa bago ako muling mag-ensayo,
Para maging isang rango para sa emperyo.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon