(M)

45 0 0
                                    

Nagkaroon na ng pahapyaw na pasilip,
Oo, totoo at hindi tayo nananaginip,
Handa na muli s'ya bulabugin ang ating pag-iisip,
Kaya ikaw, tayo maghintay at 'wag pairalin ang inip.

Pasilip sa tunay n'yang kasaysayan,
Sa paghamon ng pagsubok, paano n'ya nasabayan?
Ang lahat ng iyon paano nga ba n'ya nakayanan,
Bago makamit ang walang kapantay na kakayahan.

Oo isa pa lamang iyon, maagap na panimula,
Ngunit, sistema ko muli na namang nagwawala,
At batid ko mas lalo pa itong lalala,
Pambihira, 'di pa yata napagod sa kakatula.😂

Kuwentong ito ay hindi ko inaasahan,
Kaya itong isip ay parang naguluhan sa nasaksihan,
Nagsusulat ako dahil sa nasa nadaramang kasiyahan,
Aabangan kita "M" hanggang sa kadulu-duluhan.

Hindi pa naman ako hibang,
Sarili ko lamang ay nililibang,
Kasi nga ito ay kaabang-abang,
"M" maramdaman ko na naman ang kanyang yabang.

Inaamin ko, na pag dating sa kanyang isinulat na kuwento,
Iba dating sa 'kin at talaga malakas ang epekto,
Halata naman 'di ba, oo na mamaya ako'y hihinto,
Baka mapagkamalan na kong baliw kasi dito.😂

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon