HE'S INTO HER

11 0 0
                                    

Isip ko'y binabalikan ang isang istorya,
Istorya na naghatid ng lungkot at saya,
Nagsimula ito sa pagpatid n'ya,
At  isang babae ang kanyang ipinahiya.

Walang araw na hindi n'ya ito iniinis,
Sa pang-aasar dito wala rin s'yang mintis,
Paglaban nito sa kanya ay hindi n'ya matiis,
Dumating ang araw na ito'y para na n'yang namimiss.

Noong una panay ang kanyang pangungutya,
Pero nang makita taglay na katangian n'ya,
Lalo pa sa angas nito s'ya'y kayang-kaya,
Hanggang namalayan n'ya, sarili'y nahuhulog na sa kanya.

Isang babaeng na nawalan ng emosyon,
Pero pinahahalagahan ang edukasyon,
Mga pagsubok sa buhay ang kanyang inspirasyon,
Kaya nalagpasan n'ya lahat ng mga iyon.

Babaeng may kakaibang angas at lakas,
Sa pinakamamahal n'yang motor bihira kung mag-angkas,
Kung titingnan mo kakaiba rin kanyang tikas,
Pero kapag ginalit mo ay malabo ka nang makatakas.

Hanggang naamin n'ya sa sarili na s'ya'y nahulog,
Laman ng isip n'ya hanggang s'ya'y makatulog,
Pag hindi n'ya nasisilayan ito ay halos magdabog,
Kapag kaharap naman n'ya puso n'ya'y panay ang kabog.

Maraming pagsubok silang pinagdaanan,
Pero bandang huli sa isa't isa sila'y nakalaan,
Ayaw s'ya nitong masaktan sa kahit anong paraan,
Nanaig pa rin ang kanilang tunay na pagmamahalan.

"He's into her" ang pamagat ng kanilang istorya,
At Deib Lohr Enrile naman ang pangalan n'ya,
Mawala ang Maxpein Zin Del Valle ay 'di n'ya kaya,
At ang nag-iisang "H.E.R" ng buhay n'ya ay walang iba kundi s'ya.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon