KABILANG

12 0 0
                                    

Kabilang ako sa mga naiinggit,
Sa isang sulok ay nagngingitngit,
Ang tinatanong paulit-ulit ay bakit?
Gusto ko rin sa kanya makalapit.

Kapag nakikita ang mga larawan nila,
Napapabulong na lang na "buti pa sila",
Pero ako pinipilit na lang ang sarili  na maging abala,
Ito nagtitipa, nag-iisip ng isusulat na tula.

Ang kalangitan bahagyang makulimlim,
Ako rito napapabuntong hininga ng malalim,
Puso't damdamin ay patuloy sa paninimdim,
Ang bilis ng oras malapit na rin magtakip-silim.

Medyo malayo rin kasi ako sa Manila,
Kaya ngayon naiinggit na ako ng malala,
Sana naroon rin ako nakangiti  kasama sila,
At si Maxine Lat ay aking personal na makilala.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon