SEASON 3 (HIH)

38 0 0
                                    

Deib feel be like

Hindi namin sila nakikilala,
Itong nagpaulan ng mga bala,
Sinira nila kasiyahan namin dito sa isla,
Sino at ano kaya mga pakay nila?

May mga bago kaming mga kaeskuwela,
Silang dalawa pala ay magkakilala,
Lovemir at Eerah ang pangalan nila,
Dati pala ay magkarelasyon sila.

Muling umiral ang  aking pagiging seloso,
Kapag sila ni Maxpein ay kanilang tinutukso,
Pareho pa naman silang may ugaling seryoso,
Kaya nangangamba na naman aking puso.

Si Eerah sa akin naman nakikipaglapit,
Sa akin ay iba rin s'ya kung makakapit,
Si Maxpein nagagalit na ng malupit,
Kulang na lang ulo nito kanyang ipilipit.

Sa aming pamilya sila ay nakipagkaibigan,
Lalo na ang kanilang nag-iisang Chairman,
Kinikilos nila  ay di ko madalas maintindihan,
Lalo pa nariyan sina Cargosin at Christian.

Sila ang mga Rewis na may matinding lihim,
May mga poot at galit na sa amin kinikimkim,
Sugat ng nakaraan na patuloy na lumalalim,
Na ang aming Chairman s'yang nagtanim.

Buo ang kanilang loob na kami ay paghigantihan,
Kahit pa naubos na ang kanilang mga ari-arian,
Sumisigaw ang puso nila ng kabayaran at katarungan,
Dahil dito marami nadamay na walang kasalanan.

Dahil kay Eerah Anitha kami ni Maxpein ay nagkahiwalay,
Sa kanyang ginawa halos ako ay mawalan ng buhay,
Aking puso ay muntik ng sumuko at tuluyang bumigay,
Kailangan ko magpagamot kaya kami ni Maxpein nagkawalay.

Aming pagmamahalan ay hinamon ng pagsubok,
Nang mawala si Chairman Moon s'yang naging dagok,
Ang malakas na si Maxpein halos muntik ng malugmok,
Sumisigaw ng ganti ang puso n'ya at  naghihimutok.

Lahat ng mahal namin dalawa sa buhay,
Ay kanilang tuluyang  at sadyang dinamay,
Sa kanilang patakaran si Maxpein ay sumuway,
May nawalang buhay na rin dahil sa kanyang kamay.

Tila ako sinampal ng aking malaman,
Ang buong katotohanan sa aming Chairman,
Dahil sa kanyang kasalanan sa nakaraan,
Aking minamahal s'ya pang mapaparusuhan.

Aking mga pangarap para sa aming dalawa ay gumuho,
Kaparusahan sa kanya ninais ko noon na magbago,
Ngunit wala akong nagawa at tuluyang nabigo,
Sa aking buhay muntikan na s'yang maglaho.

Puso ko man naging bago at napalitan,
Pangalan n'ya ay di ito nalilimutan,
S'ya pa rin ang nag-iisa nitong nilalaman,
Nagbigay nito sa kin kapareho ko ng nararamdaman.

Matagal na panahon sa akin di s'ya nagpakita,
Nababasa ko ang lungkot sa kanyang mga mata,
Akala n'ya may bago na akong sinisinta,
Di n'ya alam palagi ko s'yang gunigunita.

Ako ay kanyang sinimulang suyuin,
Wala naman akong balak s'ya'y paluhain,
Pagkat sinisigaw ng puso ko ay s'ya pa rin,
S'ya lang aking babaeng pakamamahalin.

May lalaki na dumating na s'ya raw ay pakakasalan,
Ako ay tila binuhusan ng malamig na tubig at agad natauhan,
Kaya naman sa aking mga bisig di ko na s'ya pinakawalan,
Muling nabuhay at naging masaya ang aming pagmamahalan.









DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon