MAXWELL LAURENT (M)

21 0 0
                                    

Ako si Maxwell Laurent ang kanilang panganay,
Pero kaming dalawa ay magkapatid na tunay,
Pagkat iisa lamang ang aming tatay,
Kaya parehong dugo sa amin nananalaytay.

Nang marinig kong ako'y may kapatid,
Kasiyahan sa puso ko ang naging hatid,
Sitwasyon naman nila akin na ring nababatid,
Mapalad ako dahil kami ay tunay na magkapatid.

Ako ay mahilig magbasa ng mga libro,
Ang aming pamumuhay ay 'di basta biro,
Sa lahat ng bagay nais ko matuto,
Kaya mag-aaral ako ng husto.

Medisina ang aking magiging linya,
At ako rin ang kanilang kuya,
Hindi ako papayag na may umapi sa kanya,
Kahit pa kakaiba ang katangiang taglay n'ya.

Sa aming pamilya walang basta makakakanti,
Kung alam lang nila iba ko kung maggalaiti,
Para sa mga mahal ko kaya kong gumanti,
Kaya iyan ang nararapat nilang tandaan parati.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon