M

14 1 2
                                    

Isa ako sa mga nag-aabang,
Sa bagong istorya n'yang kaabang-abang,
Saan nga ba nagmula ang kanyang tapang,
Ang mga salita n'ya'y  kung minsa'y maanghang.

Ilang beses nga ba s'ya napaluha,
Upang mataas ng rango kanyang makuha,
Babaeng na minsan walang emosyon ang mukha,
Na inakala pa noo'y isa s'ya sa mga taong dukha.

Kanyang pagsilang ay paparating,
Hihintayin ng emperyo ang kanyang pagdating,
Dugo n'ya sa magkalabang angkan nanggaling,
Malalaman na kung paano s'ya naging pinakamagaling.

Dalawang babae na umibig pareho sa iisang lalaki,
Ang pag-ibig na naramdaman ng isa ay kasalanan na malaki,
Sanggol na bunga ng kanilang pag-ibig paano nga ba lumaki,
Nag-iisang babaeng anak na kanila ring maipagmamalaki.

Isang sanggol na sa tunay na ina ay ilalayo,
Lalaki s'ya na matututong lumaban at tumayo,
Isisilang na ang dalagang tatawagin nilang bagyo,
Na magpapabago sa mundo sa buong emperyo.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon