NOONG UNA PA LANG (Poser)

86 2 0
                                    

Brix feel be like

Noong una pa lang kitang nasilayan,
Sa iyong kasimplehan ako ay nagandahan,
Hindi ko na ipagtanong ang iyong pangalan,
Kaya naisipan ko humanap na ng paraan.

'Di lingid sa akin, ikaw na pala ang nakakausap,
Ang babaeng matagal ko na rin hinahanap,
Subalit sa totoong pagkatao mo ika'y nagpanggap,
Kung sana agad mong sinabi sa akin ay akin pang natanggap.

Pinilit kong kalimutan ka at mahalin na lang s'ya,
Kahit alam ko na matalik na kaibigan ka n'ya,
Ngunit hindi ko pala talagang makakaya,
Kapag may ibang tao sa 'yo'y nagpapasaya.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon