SEASON 1 (HIH)

49 2 0
                                    

Maxpein feel be like

Lumipat ako ng eskuwelahan,
Dahil diploma ay aking kailangan,
Pag-aaral ko ay aking pagbubutihan,
Subalit may lalaking ako'y pinagtripan.

Lahat sila, ako'y pinagtutulungan,
Wala kong balak na sila'y urungan,
Halos lahat  sila ay nagpapagandahan,
Ngunit ang utak nila ay tila walang laman.

Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan,
Natutunan ko na rin silang pakisamahan,
Napapailing lang sila sa aking kahambugan,
Kami ni Sensui ay madalas magbangayan.

Sa kabila ng kanyang naging kalokohan,
Nagawa ko pa rin s'yang tulungan,
S'ya ay mayroon ding kayabangan,
Ngunit mahina naman sa pakikipaglaban.

Naih na aking matalik na kaibigan,
Nadamay sa gulo at labis na nasaktan,
Si Ysay na ang pag-iisip ay wala sa katinuan,
S'yang nag-iisang may kasalanan.

Nagkita kami muli ng aking dating kasintahan,
Nang makita s'ya, ako pa rin ay nasasaktan,
Maraming katanungan ang di pa nasasagutan,
Nararamdaman ko para sa kanya ay aking pinipigilan.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon