M

16 0 0
                                    

Pagbabalik tanaw sa pinagdaanan n'ya,
Unang hakbang sa tunay n'yang istorya,
Matutunghayan na ang tunay na simula,
Kung paano s'ya ang nanguna sa kanila.

Bitbit ng kanyang payak na pangangatawan,
Ang mga armas at sandata na pag-aaralan,
Mala-impyernong pag-eensayo ay sisimulan,
Sa huli s'ya ang matibay na maiiwan.

"M" sumisimbolo sa kanyang katatagan,
"M" sumisimbolo sa kanyang kagalingan,
"M" sumisimbolo sa kanyang pangalan,
"M" sumisimbolo sa kanyang pinagmulan.

Matatagpuan na ng buong emperyo,
Ang pinakamalupit na bagyo,
Buong tapang nahaharap sa centro,
Ang batang armas at sandata ang kalaro.

Batang may lungkot na kinikimkim,
Puso't damdamin na patuloy na naninimdim,
Hindi na matatakot pa sa patalim o dilim,
Batang nangangarap may matawag na "Eomeonim".

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon