ANG DATI (HIH)

24 0 0
                                    


Randall feel be like

Ang dating mga matang makislap,
Ngayon ay mabilis nang umiilap,
Ang dating mga matang may emosyon,
Ngayon wala ka nang mababasa alin sa mga iyon.

Ang dating malambing na pakikitungo,
Ngayon ay halos dinadaan na lang sa tango,
Ang dating nakakadalang mga ngiti,
Ngayon puso ay may kinukubling pighati.

Ang dating minahal na mahaba ang pasensya,
Ngayon sa lamig ng pakikitungo kayraming nadidismaya,
Ang dating minahal ko na nasa lahat ng bagay ay kasundo
Ngayon sa kanya'y iba na ang naghahatid-sundo.

Ang dating kasintahan na una sa aking nagpatino,
Ngayon pagkukulang ko sa kanya iba nagpupuno,
Ang dating kami, akala ko may ikalawang pagkakataon,
Ngayon ay iba na ang kasama namin sa mahabang panahon.

Aming minamahal ngayon ay magkapatid,
Tadhana sa amin ano nais ipabatid,
Kapalaran namin ay maging magkaibigan,
Salamat na rin kami'y minsan nag-ibigan.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon