MATAGAL NA SAMAHAN (Poser)

63 1 0
                                    

Jammy feel be like

Inaamin ko na ako ay naging kanyang "Poser",
Ako ang matiyaga at masugid n'yang supporter,
Simula pa noon, kami ni Angel ay matalik na magkaibigan,
S'ya ay labis kong sinuportahan at matagal ng hinahangaan.

Bawat galaw n'ya aking sinusubaybayan,
Narito lang  ako at handa s'yang alalayan,
Hindi man kami parehas nakaaangat sa buhay,
Pero sa kanya nakatagpo ako ng kaibigang tunay.

Nagbago man ang ikot ng kanyang kapalaran,
Itinuturing n'ya pa rin akong matalik na kaibigan,
Aming matagal na samahan ay ayokong sirain,
Kaya si Brix ang palihim ko na lang mamahalin.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon