HIH

9 0 0
                                    

Deib feel be like

Aking naaalala ang nakaraan,
Nang araw na tayo'y nagkatinginan,
Subalit hindi ko iyon nagustuhan,
Kaya naman pinatid kita agad-agaran.

Ako'y walang pasabi mong sinuntok,
Paningin ng mga naroon ay sa atin nakatutok,
Puso't damdamin ko ay naghihimtok,
Sa isip ko noo'y paghihiganti ang kumakatok.

Naging mainit sa iyo ang aking paningin,
Naiinis ako sa ugali mong mahangin,
Sabi ko sa sarili 'di katulad mo ang aking gugustuhin,
Ngunit ang nangyari lahat ng sinabi ko akin ring kinain.

Unti-unti kong nakilala ang iyong pagkatao,
Ikaw ang babae nasa sarili'y nagpapakatotoo,
Namalayan ko ang sarili'y nahuhulog na sa 'yo,
Sa aking mga mata ayaw na ayaw kitang nalalayo.

Ilang beses mo kong pinaluha at pinaghintay,
Puso't damdamin ko ilang beses din nalumbay,
Akala ko noon 'di ko na mahahagkan ang iyong mga kamay,
Pag-ibig na inaalay natin sa isa't isa ay walang makakapantay.

Isa't isa ay binuo nating pareho,
Pag-ibig natin kailanman ay 'di maglalaho,
Ngayon ay makakasama na kita minu-minuto,
Masasabi ko na ang buhay ko ngayon ay kumpleto.

Walang relasyon at tao na perpekto,
Subalit hindi hadlang ang mga ito,
Sabihin na natin ako ay isang lalaking may toyo,
Na ang mga puso nagliliparan dahil sa 'yo.

Ako'y madalas mang may saltik,
Humihirit parati sa 'yo ng halik,
Aking puso ay sa 'yo lang na nanabik,
At sa piling mo lang ninais kong magpabalik-balik.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon