HIH Scene

11 0 0
                                    

Damdamin mo para sa 'kin, sana'y 'di pa naglalaho,
Sa isang tabi nais kong tahimik na manibugho,
Ang selos sa aking damdamin ay 'di ko na maitago,
Nananalangin sana nadarama mo ay 'di pa nagbabago.

Minamasdan ko ang bawat iginuhit mong larawan,
Alam ko na taon na rin mula ng ika'y aking iwan,
Nagbabakasakali ako na mayroon pang babalikan,
Pagmamahal natin sa isa't isa nais ko pang panghawakan.

Puso at damdamin ko ay unti-unting nasasaktan,
Aking pagkukulang ay hindi ko nalilimutan,
Hindi ko kaya na ika'y tuluyang iwasan,
Ang sakit ng kahapon natin, nais kong ibsan.

Sa mga nalaman ko ay hindi ako mapakali,
Alam ko para sa atin, hindi pa huli,
Gusto kita makausap pa kahit sandali,
Sa aking tabi nais pa kitang manatili.

Mahal pa rin kita, mahal mo pa ko,
Sa ngayon magbibitaw ako ng pangako,
Simula ngayon hindi na ko muli pang lalayo,
Ibabalik nating muli ang tamis ng ating pagsuyo.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon