HIH

20 0 0
                                    


Deib feel be like

Unang araw nang ating pagkikita,
Nagtama ang ating mga mata,
Sa iyong tingin ako'y nairita,
Kaya walang ligoy na pinatid kita.

Sa sahig, ikaw ay tuluyang lumagapak,
Nagdulot iyon ng maraming halakhak,
'Di ko inaasahan na makakatanggap ako ng sapak,
Mula noon minamasdan ko ang daan na iyong tinatahak.

Sa tuwing tayo ay nagpapang-abot,
Doon lagi sa may batibot,
Mga labi ko panay ang pagkibot,
Angas mo naman nakakakilabot.

Walang araw noon na 'di ako nagngingitngit,
Halos mamula na nga ko sa sobrang galit,
Pero isang araw sa 'yong kamay ako'y kumapit,
Hanggang sa isipan ko, hindi ka na nawawaglit.

Pagkatao mong misteryoso,
Ang ekspresyon mong napakaseryoso,
Pinatibok ng mabilis itong aking puso,
Kapag kaharap ka malimit itong lumukso.

Simula noon naiisip na kita tuwina,
Iyong mga mata sa 'ki'y nagpapahina,
Ang natatago mong ganda ay kahali-halina,
Taguro, para sa 'kin ikaw lang ay sapat na.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon