MAXPEIN MOON

21 0 0
                                    

Umuwi ako sa amin na napakasaya,
Aking iginuhit na puno, sabik na ipinakita ko sa kanya,
Ayaw n'yang tawagin ko s'yang "Eomeonim",
Gusto n'yang tawagin ko s'yang "Sajang-nim".

Sa isipan ko, nagtatanong ako kung bakit,
Ang aking saya ay napalitan ng sakit,
Bakit ang aking kapatid ganon ang tawag sa kanya,
Aking saya ay napalitan ng lungkot at pagkadismaya.

Hindi ako nakatiis na tanungin ang aking ama,
Yakap at kapatawaran sa 'kin kanyang ipinadama,
Pag-aaral ko ay labis ko pang pinagbuti,
At aking kapatid ang kasama ko parati.

Nagtataka ako, maaga nila ko pinabangon,
Samantalang nagsisimula pa lamang ang bakasyon,
Pinagsuot nila ko ng hanbok at lahat ng aking armas ay ipinadala ,
Pananabik ang aking naramdaman sa mga sinabi nila.

Kailangan ko na raw matutong mag-ensayo,
At para raw iyon sa rango ng emperyo
Akala ko kaedaran at kapatid ko ay aking makakasama,
Pero wala sila, binigyan ako ng pananghalian ng aking ama.

Nagsimula na ko sa pag hakbang papalayo sa kanila,
Nang lumingon ako ay nakatalikod na sila,
Nalulungkot ako at malapit nang maiyak,
Anong nangyayari hindi ko natitiyak.

Tinawag ako muli ng aking ama,
Takot, pangamba na ang aking nadarama,
"Isang daang araw" daw ako malalayo sa kanya,
Natigil ang aking pagluha dahil sa sinabi n'ya.

Impyerno raw ang aking mararanasan,
Hindi ko pa nauunawaan ng lubusan,
Aking mga dadanasin ay hindi isang biro,
Pana, espada at iba pang armas ang aking magiging kalaro.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon