Maxinejiji

12 1 0
                                    


Kapag may manunulat na iniidolo,
Paano masasabing isa kang tagahangang solido?
Kailangan ba meron ka ng isinulat n'yang libro?
At nararapat ba lahat iyon ay iyong kumpleto,
Para matawag kang isang tagahanga n'yang solido.

Para sa 'kin ang tunay na tagahanga marunong rumespeto,
Rumespeto sa pribadong buhay ng kanyang iniidolo,
Hindi lang basta binabasa ang kanyang mga kuwento,
Kundi iniintindi rin ang mga nais ipahiwatig nito,
Masasabi mong tagahanga ka na n'yang totoo.

Mga salita nakapaloob sa kanyang kuwento ay isinasapuso mo,
Ayos lang kahit ilan lang ang dami o wala ka mang libro.
Basta ipakita at ipadama mo lang sa manunulat na iyong iniidolo,
Nasa bawat sasabihin n'ya ay iyong inuunawa at inirerespeto,
Masasabi mong isa ka ng mambabasa n'yang totoo.

Si Maxinejiji ay isa sa manunulat na iniidolo ko,
Hanga ko sa paglalahad n'ya ng bawat kuwento,
Hindi lang pagsusulat ang kanyang mundo,
Dahil meron din s'yang iniingatang trabaho,
Kaya sa oras na binibigay n'ya ay nagpapasalamat ako.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon