HIH

16 0 0
                                    


Maxpein feel be like

Walang emosyon aking mga mata,
Napakatipid ko rin kung magsalita,
Maikli lang din aking pasensya,
Kaya pag ako'y galit matuto ka nang dumistansya.

Sa una hindi ko magawang mapaniwalaan,
Na ako raw ay kanya nang nagugustuhan,
Sa aking narinig nais kong magmaang-maangan,
Pinipilit ko na isa lamang iyon sa kanyang kalokohan.

Subalit sadya yatang pinagtatagpo ang aming landas,
Sa tuwing sa reyalidad ninanais kong saglit tumakas,
Nariyan s'ya sa tabi ko, kapag luha sa aking pisngi'y lumalandas,
Hanggang sa namalayan ko, s'ya na ang naging aking kahinaan at lakas.

Lalaking minahal, ang buo kong katauhan,
Kahit pa ikinukubli ko sa kanya ilang katotohanan,
Lalaking nagbibigay sa akin ng ibayong kasiyahan,
Sensui, babybabe ko, lalaking nasa akin ay inilaan.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon