NAIS (MIBF)

55 0 0
                                    

Nais ko rin sana pumunta,
Nais rin kasi kita na makita,
Matagal ng humahanga sa 'yo,
Kaso ako ay medyo malayo.

Mga libro mo ay patuloy na iipunin,
Ulit-ulitin ko pa ring babasahin,
Sana makagawa ka pa ng mga istorya,
Na sa amin ay labis na nagpapasaya.

Marami kaming sa 'yo ay sumusuporta,
Na nagnanais na ikaw ay makita,
May mga responsibilidad lang na uunahin,
Alam ko kami ay iyong kayang intindihin.

Miss Maxine maaring hindi pa nga sa ngayon,
Darating din ang tamang panahon,
Masasabi ko rin sa 'yo na maraming salamat,
Pagkat inspirasyon ko ang iyong mga sinulat.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon