M (Project M)

41 0 0
                                    

Bawat eksena aking nanamnamin,
Nakaraan at kasalukuyan ay isasalamin,
Pamilyang minahal na namin.

Angkan na may pagkahambog,
Nag-iisang prinsesa nila kaya kang mabugbog,
Sa kanilang katangian kaya nilang isip mo mapasabog.

Magsisimula tayo sa umpisa sa tinatawag na nakaraan,
Galing,talino n'ya ay nagmula saan,
Hanggang sa lalaking mamahalin ay matatagpuan.

Babaeng kakaiba ang angas at tikas,
Ano ang pinaghuhugutan n'ya ng lakas,
Kaya sa oras na hawak ka n'ya, hirap ka nang makatakas.

Bago makarating sa tunay na kasalukuyan,
Kanilang nakaraan atin munang subaybayan,
Hanggang sa landas nila nagtagpo na ng tuluyan.

Isisilang na ang panibagong henerasyon,
Na inaabangan na ngayon,
Kumapit ka, magsisimula na muli ang samu't saring emosyon.

Buwan ang sinisimbolo ng kanilang apelyido,
Papapasukin nila tayo sa kanilang tunay na mundo,
Kaya naman maghanda ka na ng todo.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon