AKO AY UMIIBIG (TWT)

65 1 0
                                    

Laubree feel be like

Hindi ko akalain na seryoso s'ya,
Sa pag-gala ako ay kanyang niyaya,
Sa bahay namin s'ya ay nagpunta,
Pati susuotin ko ay kanyang sinisita.

Aubrey kung ako ay kanyang tawagin,
Di ko alam kung trip lang ba n'ya kong asarin,
Di ko na pinansin tutal magkatunog naman,
Kanyang mga kinikilos ay aking nang nagugustuhan.

Sinabi n'ya pa sa kanya huwag akong mahuhulog,
Ano magagawa ko, naiisip ko s'ya hanggang makatulog,
Minsan di na lang s'ya nagparamdam at nawala,
Tapos ilang araw parang kabute susulpot na lang bigla.

Pati ang tawagan namin ni Brian ay pinansin,
Wala na s'yang magawa, kundi ako ay inisin,
Pero ang kiligin sa kanya ay di ko maiwasan,
Simula noon ay madalas na n'ya ko tawagan.

"Lover boy" daw s'ya at ako ay "Lonely girl",
Naiinis man ako, pero ang mapangiti ay di mapigil,
Boses n'ya ay madalas ko nang naririnig,
Pakiramdam ko sa kanya ako ay umiibig.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon