ANIBERSARYO (HIH)

53 1 0
                                    


Ngayon ang inyong anibersaryo,
"Tagsen" ang tawag namin sa inyo,
Taon na rin simula nang maging kayo,
At tiyak na wala nang makakapaglayo.

Sinubok kayo ng maraming pagkakataon,
Pero ang inyong pag-iibigan ay sinikap ninyong iahon,
Nakasabay kayo sa buhay na puno ng hamon,
Ngayon ay magsasama na ng mahabang panahon.

Ilang taon man ang patuloy na lumipas,
Pag-iibigan ninyo ay di kukupas,
Magkasamang haharapin ang panibagong bukas,
Pagka't ang isa't isa ay inyong lakas.

Anibersaryo ninyo ngayon ay higit na masaya,
Sapagkat nabigyan kayo ng di matatawarang biyaya,
Masasabi na kayo ay isang ganap ng pamilya,
Dahil si Spaun ay labis na sa inyo nagpapaligaya.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon