HIH

22 0 0
                                    


Taong dalawang libo at labing apat,
Nang mabasa ko ang kanyang isinulat,
Na "He's into Her" ang pamagat,
Sa haba nito ako'y bahagyang nagulat.

Mga kabanata umabot ng higit dalawang daan,
Istorya na aking talagang inaabangan,
Kapag may bagong kabanata noon ay nasisiyahan,
Hindi ko nalilimutan mga pangunahing tauhan.

Sino nga ba ang makakalimot kay Maxpein,
Na iba rin kasi paraan ng pagtingin,
Kaya itong si Deib nagawa s'yang patirin,
Mundo n'ya ayaw nito patahimikin.

Bumalik s'ya sa Pilipinas para muling mag-aral,
Sa murang edad ay natuto na s'yang magmahal,
Pero silang dalawa ay hindi nagtagal,
Dahil pamilya mismo nila naging sagabal.

Tutuparin n'ya ang pinangakong diploma,
Pero pagkakataon kay ilap sa kanya makisama,
Lagi na lamang s'ya ang napapasama,
Nahihirapan s'yang ipakita ang nadarama.

Si Deib Lohr ang una n'yang nakilala,
Nang tumungtong s'ya sa eskuwela,
Sa pang-aasar nito nahirapan s'ya kumawala,
Sa pang bubully ito'y kilalang kilala.

Mabuti nariyan si Naih ang kanyang kasangga,
Iyon nga lang kung minsan ay mabunganga,
Pero sa pagiging matalino nito sila'y napahanga,
Lalo pa katulad n'ya sa billiard may ibubuga.

Silang dalawa naman ang kanyang kabarkada,
Nasa basketball court ay parati mga bida,
Tob at Lee ang mga pangalan nila,
Big three ang tawag sa kanila sa eskuwela.

S'ya rin ay lumipat sa kanilang eskuwelahan,
Pinagkakaguluhan ng mga kababaihan,
S'ya ay may taglay na katalinuhan,
Maxwell ang kanyang pangalan.

Mawawala ba ang magkapatid na Gozon,
Si Kimeniah na niligawan n'ya ng taon,
At si Keziah na kay Maxwell may pagtingin na noon,
Magpasahanggang ngayon.

S'ya naman ang lalaking una n'yang minahal,
Ang pangalan n'ya walang iba kundi Randall,
Nanghihinayang dahil hindi sila nagtagal,
Nariyan na si Dein na s'ya'y mahal na mahal.

S'ya naman ang bunso ng kanilang pamilya,
Mahal na mahal ang kanyang ate at kuya,
Maxrill naman ang pangalan n'ya,
Sa pagkain ng nuggets walang makakapigil sa kanya.

S'ya naman si Michiko,
Kanilang lecturer sa kanya sumusuko,
Pero huwag mo maliitin ito,
Dahil s'ya'y may Tobi Yakiro.

Silang dalawa sa barkada nila ang maingay,
Sa kantahan silang dalawa ay bigay na bigay,
Sila sina Migz at BJ na kaibigang tunay,
Nagbigay din ng kulay sa kanilang buhay.

S'ya naman ay palagi sa kanya naninita,
Ayaw na ayaw n'ya itong nakikita,
Mainit ang mga mata nito lalo na sa kanya,
Maze ang tumatayong  ina rin n'ya.

Sila ang mga lolo nilang istrikto,
Sina Chairman Moon at Chairman Enrile ang mga ito,
Nariyan din sina Dean Enrile at Mokz na kanila ring lolo,
Na handa sa kanilang sumaklolo.

Makakalimutan ba naman ang tao na s'ya'y paborito,
Walang araw na 'di s'ya pinag-iinitan nito,
Lecturer nila na napakaistrikto,
Chupan ang tawag naman n'ya rito.

Mawawala ba naman Destiny kung s'ya'y tawagin,
Sa paglalaro ng basketball may ibubuga rin,
Kaya kakayahan n'ya huwag maliitin,
Kevz Gonza  nagawa rin s'yang mahalin.

Sino ang makakalimot sa kanya,
Ysay ang pangalan n'ya,
Kinalaban n'ya si Pein at nagkamali s'ya,
Kanyang mga magulang dito ay napahiya.

Lacey at Lohrton ang kanya namang magulang,
Sa paalala sa kanya ay 'di nagkulang,
Pagluha sa kalagayan n'ya noon ay hindi mabilang,
Kaligtasan nila ang isinaalang -alang.

S'ya naman si Maximor ang kanyang ama,
Na ayaw na ayaw s'yang mapasama,
Kaya pana noon sa kanya ay ipinatama,
Tiniis nito ang sakit na nadarama.

Heurt naman ang kanyang pangalan,
Ang tunay n'yang pinagmulan,
Ina na kanyang pinagmanahan,
Ng mga tinataglay na kakayahan.

Abby at Aimee sa kanya ay kontrabida,
Mahilig ang dalawa na yan magpabida,
Si  Sam na may taglay na ganda,
Sa billiard din ay bumibida.

Sila sina Manang, Nono at Joan na mag-iina,
Na kasama rin nila tuwina,
Mga bata na sa buhay pag-ibig nila nag-usisa,
Mga kilos n'ya agad nilang nababasa.

Sila rin ay kanilang mga kaibigan,
Barb, Jep, Beka at Boy ang pangalan,
Mga taong naging kanilang sandalan,
Mga ito ay madalas din silang  payuhan.

Lalaki na minsan din kanyang pinagselosan,
Harlong lang naman ang pangalan,
Rhumzel naman ang ngalan,
Kapatid ito ng lalaking minahal n'ya minsan.

Sino makakalimot kina Choco,
Na may pagkaloko,
Pati sina Yago at Mallyu nakigulo,
Humingi rin ng tawad sa kanya sa dulo.

Sino makakalimot sa mga Rewis,
Lalo na kay Eerah na nakakainis,
Nakatikim din ito ng kanyang bangis,
Kaya sa huli silang lahat ay tumangis.

Chairman Rewis, Taylor, Cargosin at Christian,
Sila kasama ni Eerah sa kaguluhan,
Pati si Mr. Wood sila'y sinamahan,
Ngunit talo rin sila sa kadulu-daluhan.

S'ya naman ang lalaking kanyang bersyon,
Pinagseselosan din ni Deib Lohr noon,
Sa pagkanta at pagsayaw magaling iyon.
Lovemir nga pala pangalan niyon.

S'ya naman daw ang kanyang pinsan,
Ang lalaki raw na pakakasalan,
Ng kanyang mahal na kasintahan,
Bitgaram ang pangalan.

Sila ang mga ilang tauhan,
Na saksi sa kanilang pagmamahalan,
Simula umpisa hanggang sa kahuli-hulihan,
Hanggang sa silang dalawa ay nagkatuluyan.

Taong dalawang libo at labing pito,
Buwan ng Pebrero,
Natapos ang istoryang ito,
Pero magsisimula na ang totoong simula nito.

Bago man magsara itong kanilang istorya,
Nagdala sila ng ibayong kalungkutan at saya,
S'ya naman si Maxspaun  Thaddeaus ang anak nila,
Sa takdang araw atin ding unti-unting makikilala.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon