M

12 0 0
                                    

Istorya n'ya muling bubuksan,
Bago ang taon na ito'y tuluyang lumisan,
Sa buhay n'ya may panibagong matutuklasan.

Buhay na bahagi ng kanyang pagkatao,
Sarili n'yang kakayahan ay mabubuo,
Hanggang sa mahanap ang magmamahal ng totoo.

Mga bagay na sadyang ikinukubli ng katotohanan,
Kanilang pag-iibigan ay wala mang malinaw na kinahinatnan,
Pero s'ya ang naging bunga ng saglit nilang pagmamahalan.

Nagmula sa magkaibang mundo ng angkan,
Ngunit isa't isa nagawa pa rin nilang hagkan,
Kanilang masayang sandali muli ay mababalikan.

S'ya ay nabuo maging isang nilalang,
Nilalang na hindi wari saan nga ba nabibilang,
Nangungulila sa buo at tunay na magulang.

Hinasa bilang maging isang rango,
Bagay na hindi na kailanman mababago,
Ipapakita ang tunay na dumadaloy sa kanyang dugo.

Hindi aatras sa hamon ng emperyo,
S'ya mismo ang magiging isang delubyo,
Na sadyang magpapahanga sa 'yo.

S'ya ang nag-iisang anak na babae,
Na tinawag na Maxpein Zin Del Valle,
Na magmamahal ng nag-iisang lalaking Enrile.

M ano nga ba ang tunay na isinisimbolo,
Alamin simula sa umpisa hanggang sa dulo,
Puso at isip mo muling magkakagulo.

Anak nila sa atin ay muling magpapagimbal,
Maxspaun Thaddeaus nabuo sa kanilang pagmamahal.
Sa pagbubukas ng kanyang istorya  ano kaya ang kanyang itatanghal?

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon