MAXINEJIJI

12 0 0
                                    

Simula sa pinaka-umpisa,
Hanggang sa kahuli-hulihan,
May nais ipahiwatig ang bawat isa,
Bawat isang istorya ay iyong maiintindihan.

Sa buhay lahat ng bagay ay nagbabago,
Dahil sa mundo walang permanente,
Lahat tayo ay makakaranas ng pagkabigo,
Ang matuto mula rito ang pinakaimportante.

Ito ay mga aklat na kanyang isinulat,
Kapag iyong itinapos mayroong nais ipabatid,
Nasa mundo ng reyalidad may nais ipamulat,
May mga aral at kasiyahan na nagnanais ihatid.

Sumulat s'ya para maghatid ng kasiyahan,
Ibinahagi ang nilalaman ng kanyang imahinasyon,
Ang makilala ng lubusan ay hindi n'ya ganap na inaasahan,
Nakilala s'ya bilang "Maxinejiji" at patuloy na nagiging inspirasyon. 

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon