PROJECT M

26 0 0
                                    

Nagtungo ngayon sa wattpad,
Bagong istorya ang sa 'kin bumungad,
Balikan natin ang tunay na simula,
Bago natin s'ya noon nakilala.

Bunga ng ipinagbabawal na pagmamahalan,
Ano nga ba tunay na nilalaman nang nakaraan?
Anong mga pagsubok ang kanyang hinarap,
Bago makuha ang rango na s'yang pinapangarap?

Anak na sa tunay na ina ay inilayo,
Paano s'ya tinaguriang isang bagyo?
Anak nasa hamon sa kanya ay nakipasapalaran,
Para baguhin ang ikot na kanyang sariling kapalaran.

Alamin kung bakit hinirang s'yang pinakamataas,
Tuklasin ang pinagmumulan ng kanyang lakas,
Alamin ang nakaraan na sa kanya nagpatapang at humubog,
Bago natin s'ya nakilala bilang isang babaeng hambog.




DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon