UGALI (The Wishful Thinker )

56 1 0
                                    

Laubree feel be like

Ang pangalan n'ya pala ay Inaki palayaw ay Aki,
Itong napakahambog nakilala kong lalaki,
Walang ginawa kundi araw ko ay sirain,
Di yata nagsasawa na ako insultuhin at asarin.

Ibang-iba ang ugali n'ya sa kanyang pinsan,
Kaya ito ang una ko namang nagustuhan,
Pag nakikita ako, parati n'ya akong nginigitian,
Malayo-malayo talaga ang kanilang katangian.

Bibirahan pa n'ya ko na honest lang s'ya,
Mga katwiran at banat n'ya ay di ko kinakaya,
Napapadalas ang kanyang kayabangan,
Ugali na di yata maalis sa kanyang katawan.

Malakas din pala ang kanyang pakiramdam,
Pagkagusto ko sa kanyang pinsan ay alam,
Iba rin lang talaga s'ya kung makapagsalita,
Nagulat na lang ako iba ang kanyang inasta.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon